Kanina kinausap ko si Cristina. Mahirap talaga siyang kausap. May mga naaagnas na bangkay kasi sa bibig niya, di man lang niya naisipang ilibing. Kitang-kita ko yung mga bangkay na nilalangaw pa, nakatambak lang, nagsisiksikan sa mga gila-gilagid. Parang sementeryong sa ibabaw ng lupa namamahinga ang mga patay. Pero kahit papaano mababango naman yung mga salitang lumabas sa bibig niya.
Ngayon kinakausap ko si Mikaela. Malambing siya, pero parang kaya niyang humigop ng tubig gaya ng sponge. Kung tutuusin, halos magkamukha na sila ni Spongebob—dilaw at maraming butas. Hindi nga lang singkit si Spongebob. Natatakot akong mapalapit sa kanya, baka kasi mahigop din ako kapag huminga siya ng malalim. Baka nga mahigop pa niya ang buong klase.
Mamaya kakausapin ko naman si Felice. Masarap kausap, kaso nakakabahala lang talaga kung halos pareho ang katawan niyo ng kinakausap mo. Lalo na kung magkaiba pala kayo ng ari. Baka nga pati doon, pareho kami ni Felice. Kaso nakakahiya naman magtanong.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment